“By the way, Hanna. Kamusta ka na nga pala ngayon?” Malumanay na ang boses ng Ate Clara niya, tila ba may kung anong iniingatan na huwag mabanggit.
At halos alam na ni Hanna kung ano talaga ang gusto nitong itanong.
“I’m fine, Ate. Don’t worry about me.”
“I’m not worried about you,” mabilis nitong kaila. “Normal na pangangamusta lang naman ang tanong ko.”
Lihim na lang siyang napangiti. “I’m really fine, Ate. Kahit itanong mo pa kay Bella. Marami na akong kinaaaliwan. Ang shop, ang mga deliveries, si Hachiko…”
“You’re still watching that movie?”
“I love that movie.”
“You’re obsessed with it.”
“Ganyan din ang palagay ni Bella, actually,” natatawa niyang sagot.
“Ah, well, basta masaya ka, hindi ko kokontra. In fact, susuportahan pa kita. Kaya sa birthday mo this year, libre ko na ang flight ticket mo sa bayan ni Hachiko.”
“You’re sending me to Japan?! For free?!”
“Yes.”
“Ate!”
“I know. I’m sweet.”
“Thank you, Ate!”
“Kaya bilisan mo na sa pagtatapos ng mga dapat tapusin dyan sa shop nyo at pumunta ka na rito agad.”
“Yes, Ate. ‘Bye! ‘Love you. Muah!” She turned off her phone after hearing her older sister say goodbye in return. Hindi na mapuknat ang ngiti niya. “Ang swerte ko talaga sa galanteng pamilya ko.”
She sighed and turned around. But she noticed the thick rosal plant in the mini garden in front of their shop. Ininspeksyon niya ang mga papausbong pa lang na mga bulaklak niyon.
Makapagdala nga ng dalawang boquet of flowers mamaya.
Her family loves flowers. Kaya nga siguro hindi mabitawan ng kanilang ina ang pag-aasikaso sa flower farm nila at silang tatlong magkakapatid ay nasa linya ng mga bulaklak din napunta. Shaila was a chemist for a big perfume company in France while her Ate Clara also has a small flowershop business in Canada. Hindi naman sila pinilit ng kanilang ina na sumunod sa yapak nito. Kaya nga wala itong tutol nang manirahan ang ate niya at si Shaila sa ibang bansa. Siya man ay hindi pinilit ng ina na sakupin ang paghawak sa flower farm nila tutal naman ay ang flower farm nila ang pinakamalaking supplier niya ng mga bulaklak sa kaniyang shop. Their mother wanted them to pursue what they truly love, just like how she choose to continue working on their flower farm even when it was where their father died of a sudden heart attack when she and her siblings were still young.
Her father…
His death devastated their family to a point that it almost broke them apart. Parang nawalan na kasi ng ganang mabuhay din ang kanilang ina noon, habang si Hanna ay nagkaroon ng matinding depresyon dahil siya ang pinakamalapit sa kanilang ama. And she was with him when he died. Kaya pakiramdam niya noon ay kasalanan niya kung bakit nangyari iyon sa ama, dahil wala siyang nagawa para sagipin ito kahit nasa tabi lang niya ito.
Her mother noticed her condition first and got back on her feet to pour her attention on Hanna and her siblings. Specially on Hanna. Her sisters found out later too and had tried their best to be there for her. Nang ma-realize naman niya ang dahilan ng pagbabago ng mga ito ay na-guilty siya nang husto. Pare-pareho nga naman kasi na nahihirapan sila sa naging pagkawala ng kanilang ama pero kinalimutan ng mga ito ang kani-kanilang sariling pagdadalamhati para lang asikasuhin siya. Kaya pinilit din niyang magbago at nangako sa sarili na kahit anong mangyari ay hinding-hindi na gagawa ng mga bagay na magbibigay ng matinding alalahanin sa kanyang pamilya.
Iyon din ang dahilan kung bakit pinilit niyang makabangon agad sa pagluluksa nang mawala ang dating kasintahan. She fought hard to be okay. To be really okay. Pero talagang hindi niya makayang maging okay. She was slowly dying inside, so she just faked it all. Ipinakita niyang masaya siya sa harap ng mga taong malalapit sa kanya at sinarili na lang mga nararamdaman niya. Makakaya niya ang lahat ng iyon. Kakayanin niya.
“I’ll be fine.” Hanna touched her finger on the tip of the budding white flower of rosal, a sad smile on her lips. “And I also need to work now.” She took a deep breath and let out a sigh to release that tightening feeling in her chest before coming back inside the shop. “Sabi ni Mama kung gusto mo raw sumama sa reunion namin sa bahay namin sa QC. Actually, si Ate talaga ang gustong sumama ka at iwan muna daw saglit itong shop.”
“Siyempre gusto ko. Kaso hindi talaga puwedeng isara ang shop ngayon.” Itinuro nito ang dalawang boquet of flowers na katatapos lang nito gawin. “May mga pumapasok pa ring mga orders online, eh. ‘Yan nga naghinintay na lang ng pagdating ng delivery boys natin kasi kailangan daw ‘yan mai-deliver bago mag-alas diyes.”
“Ako na ang magde-deliver. Dala ko naman ang motor ko.”
“Sure ka?”
“Alangan namang hintayin pa natin sina Luis.”
“Kunsabagay, medyo magkakalayo nga ang mga deliveries nila ngayon.”
“Tutulong na ako sa deliveries para matapos agad.”
Nagmamadaling kumilos si Bella. “Gagawin ko na ‘yung tatlo pang boquets para isang biyahe ka na lang.”
“Sige. Tulungan na rin kita.” Marunong din naman kasi siyang gumawa ng boquets at iba’t ibang flower arrangements.
Hanna didn’t mind the extra works. Pareho lang naman sila ni Bella na kung saan sila makakatulong at libre naman sila gawin iyon ay ginagawa na rin nila para mas mapabilis ang trabaho.
Isa pa, on her part, kailangan din talaga niya ng mga gagawin para mailayo ang isip sa mga emosyong unti-unti na namang kumakain sa puso niya.