PABABA NA ANG SEMENTADONG kalsadang tinatahak ng superbike ni Hanna, kaya binawasan na rin niya ang bilis ng pagpapatakbo sa kanyang motorsiklo. Iyon na ang huling deliver niya ngayong araw. Pinakamalayo sa lahat ng pinuntahan niya para lang mag-deliver ng mga bulaklak.
Nasiraan kasi ang deliver van na dala ng mga tauhan nila bago makabalik sa flowershop kaya inako na ni Hanna lahat ng deliveries para lang matapos na. At para na rin hindi sila mapahiya sa mga customer nila. Kaya inabot na siya ng hapon dito sa Antipolo.
Napansin ni Hanna ang maliliit na patak ng ulan sa visor ng suot niyang helmet. Umuulan sa gitna ng katirikan ng araw. Halos mag-a-alas tres pa lang kasi ng hapon.
Weather these days was really not it.
Napilitan siyang ihinto ang motor niya sa gilid ng kalsada kung saan may mga puno ng mangga na may makapal na dahon na puwede niyang silungan. Kinuha niya ang leather jacket niya sa secret compartment ng kanyang superbike para hindi siya mabasa ng ulan. Hinayaan lang niyang nakabukas ang zipper niyon para hindi rin siya mainitan dahil sa kabila ng pag-ulan ay matindi pa rin ang init ng araw.
Napatingin siya sa kabilang panig ng kalsada. May hilera rin ng mga puno doon kaya kahit paano ay natatakpan ang direktang sinag ng araw sa direksyon niya. Panaka-naka lang ang pagsilip ng liwanag mula sa makakapal na dahon ng mga puno kaya nakita niya ang isang tanawin na ngayon lang niya napagtuunan ng pansin. The lights slipping through the leaves of those trees and the soft drizzling rain made a spetacular scene in the middle of the almost deserted highway.
Hinubad na ni Hanna ang suot na helmet upang mas mapagmasdan nang husto ang kakaibang tanawin na iyon. Isang eksena mula sa nakaraan ang tila nagbalik sa kanyang alaala.
A traffic light.
A rainshower in the middle of a busy street against the brightly lit afternoon sun.
A man standing on the other end of the pedestrian lane.
Sumandal si Hanna sa gilid ng kanyang motorsiklo, yakap ang helmet niya habang hinahayaan ang sarili na malunod sa alaalang iyon. Wala namang nakakakita, kaya puwede niyang pakawalan saglit ang puso niyang mahigpit niyang hawak na hindi magpapakita ng anomang lungkot sa harap ng ibang tao.
Yes. She could set her heart free to long for that man she saw at the other end of a pedestrian lane, in the middle of a bright afternoon sun and the rain was pouring lightly.
“Hanggang kailan kaya, Julius…” mahina niyang bulong sa hangin. “Hanggang kailan ko kaya makakayanan ang lahat ng ito…?”
Ingay ng paparating na motorsiklo ang narinig ni Hanna kaya mabilis siyang tumalikod at nagkunwaring may inaayos sa sarili niyang motorsiklo. Ayaw pa niyang umalis sa lugar na iyon. Kahit sandali lang, pagbibigyan na muna niya ang kanyang puso na makalaya sa kanyang pagpapanggap.
Ngunit napansin niya ang unti-unti ring paghina ng tunog ng motorsiklong iyon hanggang sa tuluyan iyong huminto. Nang silipin iyon ni Hanna ay nakita niyang pumarada sa kabilang panig ng kalsada ang naka-motor, na tulad niya ay mukhang naghahanda na rin na magsuot ng puwedeng maging panangga sa mahinang ulan. The guy had his back on her so she couldn’t see his face. But as he moved to put his helmet back on, he slightly turned to her and she felt like her whole world just suddenly stopped when she saw his face.
J...Julius…?
Nabitawan niya ang hawak na helmet dahilan upang makuha niya ang atensyon ng lalaki. He looked at her direction and seemed to have the same reaction as her…or was it just her imagination? Then he crossed the road towards her, picked up the helmet on the ground, and handed it over to her.
She absent-mindedly accepted it without taking her eyes away from him. Her heart felt like it was gonna burst any moment. Her tears were were already forming in her eyes.
“Be careful,” he said and went back to his superbike.
Hindi makapagsalita si Hanna. Ni hindi niya magawang kumilos sa kinatatayuan kahit wala siyang ibang gustong gawin nang mga sandaling iyon kundi ang yakapin ito nang mahigpit. But she just couldn’t seem to do anything else but just stare at him.
Isang beses pa siyang nilingon ng lalaki bago isinuot ang sarili nitong helmet saka pinaharurot palayo ang motorsiklo.
“Julius…” Nang marinig ang sariling boses ay saka lang siya tila natauhan. Nagawa na rin niyang makakilos sa wakas.
Yes, that was him. Hindi siya maaaring magkamali sa mukhang iyon.
“Julius, sandali…” Sa wakas ay nagawa na rin niyang maigalaw ang katawan. Unti-unti siyang sumunod sa direksyong tinahak ng lalaki. “Julius!” Bumilis na ang mga hakbang niya hanggang sa tuluyan na siyang tumakbo. “Julius, sandali lang! Hintayin mo ako! Sasama ako sa iyo! Julius!”
Hindi na niya makita ang lalaki pero naririnig pa rin niya ang ingay ng motorsiklo nito. Ang motorsiklo! Binalikan niya ang kanyang superbike at nagmamadaling sumunod para habulin ito.
Julius! Hintayin mo ako! Alam kong ikaw ‘yon!
Ayaw na niyang isipin kung paanong nangyari na nakita niyang muli si Julius pagkatapos ng mga nangyari ilang buwan na ang nakakalipas. At wala na siyang pakialam. Ang importante ay makita lang niya itong muli. She had been secretly waiting, longing, hoping, wishing, and praying for this chance to see him again she would not let him go just like that. Whether it was just a mere trick of the eye, a hallucination or a paranormal activity, she just don’t care anymore. She wanted to see him and she will see him again!
Mas lumakas na ngayon ang buhos ng ulan. At dahil nakaligtaan na niya ang kanyang helmet dahil sa pagmamadali kanina, halos mawalan na siya ng matinong imahe ng direksyon niya dahil sa malakas na hangin at patak ng ulan na dumadampi sa kanyang mukha. Her ears were ringing against the strong wind due to her speed, and her heart was screaming for that man somewhere, begging him to stop and wait for her.
Just wait for her…
Sa pagliko niya sa isang sharp curve ay dumulas ang kapit ng gulong ng motorsiklo niya sa basang kalsada, dahilan upang mawalan siya ng kontrol at tuluyan siyang humagis sa gilid ng kalsada. Hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari. Ang natatandaan na lang niya ay ang matinding sakit na bumalot sa buong katawan niya na unti-unting nagpapadilim sa kanyang kamalayan.
She could still see the vast sky as she lay unmoving on the dirt. She could still feel the cold rain over her face. She could still feel herself wanting to get up, wanting so bad to see that man she had been longing to see. But it was getting darker every passing second as the pain she felt continued to worsen. She wanted to close her eyes and just give in to the blinding pain.
No… Inaantok na siya. Gusto na niyang matulog. Pero hindi puwede. Julius…Julius, I’m right here…I’m just… Tuluyan ng nagdilim ang kanyang paningin. …right here…