Jhoyce's POV "Paano mo sasabihin sa kaniya na buntis ka?" paulit-ulit na tanong ni Ira nang makalabas na kami sa hospital. Napalingon naman ako sa kaniya na abala pa rin sa pagda-drive. "Hindi ko alam," kibit balikat kong sagot. "Siguro sasabihin ko sa kaniya surprise may anak ka na o kaya naman iaabot ko sa kaniya 'yong pregnancy test. Tapos sasabihin ko mukhang nagkaroon ng meet up ang sperm cell at egg cell natin, ah." "Seryoso ka diyan?" Saglit itong napalingon sa akin, pero binalik din ang tingin sa labas. Hindi naman ako sumagot at bumuntong hininga lang. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Hindi pa nga ulit kami nag-uusap nitong mga nakaraang araw, simula noong pumunta siya sa bahay. Wala man lang akong natanggap na tawag o text galing sa kaniya. Nang makara