Jhoyce's POV Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko sa narinig galing kay Nanay Nelly. Nagkatinginan kaming dalawa ni Luna at kahit siya ay nabigla rin. Wala pa namang kasiguraduhan kung totoo man na buntis ako, pero kinakabahan na ako. Ayoko na lang isipan dahil baka kung saan po ako umabot. "Nagbibiro ka na naman, Nanay Nelly," natatawang sabat ko at mahinang hinampas ang braso niya. Napakunot naman ang noo nito at seryosong nakatingin sa akin. "Paano naman ako mabubuntis?" "Hindi ba may asawa ka?" Hindi na ako magugulat na alam nila ang tungkol sa amin ni Franco. Para na ring pamilya ang turing namin sa kanila. Isa pa ay paniguradong nakukwento ito sa kaniya ni Luna. Si Luna lang naman ang madalas na nakikita ko noon kapag pumupunta ako sa bahay. "Matagal na po kaming hiwalay," seryo