Jhoyce's POV Nakatitig lang ako sa mukha niya habang may sugat pa rin ito dahil sa nangyari noong na-kidnap kaming dalawa. Hindi ko alam kung may idea ba ang parents ko na kasama ko si Franco noong araw na 'yon. Wala naman silang sinabi sa akin noong ihatid ako rito sa bahay na wala ng malay. Paniguradong si Ira rin ang naghatid sa akin noong araw na 'yon para hindi makahalata ang parents ko. "Anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ko kinuha ang inabot niya sa aking bulaklak dahil sa pagkabigla, kaya wala itong nagawa kung hindi ang hawakan na lang ito. "Hindi mo ba ako na-miss?" pagbibiro niya sa akin. Nanatili akong walang reaksyon habang nakatingin sa kaniya. Nang magtama ang mata namin ay ako na ang naunang umiwas dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniy