Jhoyce's POV Muli nilang nilagyan ng tape ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay. Nanatili pa ring nakagapos ang katawan ko sa may upuan at hinarap nila ang upuan ko kung saan magkatapat kami ni Franco. Talagang ginawa nila 'yon para makita ang pagdurusa ng isa't isa. Nang makaalis sila ay nagkatinginan lang kami ni Franco. Sinubukan niyang magpumiglas sa tali, pero masyadong mahigpit 'yon. Nang mapagod ay wala siyang nagawa kung hindi ang sumigaw kahit impit ang boses nito dahil sa frustration. Ganoon lang ang ginagawa namin sa araw na nandito kami. May times na pinapakain nila kami, pero kahit isang beses ay hindi ko nakitang ginalaw ni Franco ang pagkain nito. Talagang ayaw niya sumunod sa mga kidnappers kaya madalas ay nasasaktan ito. At wala akong magawa kung hindi ang panoorin