Jhoyce's POV Siguro tama nga 'yong sinabi ni Franco sa akin that I should find my own happiness. Panahon naman siguro para sarili ko naman ang isipin ko. Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng bagpack at kinuha ang maleta. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako ng building. Pumara naman ako ng taxi at agad na may tumigil na sasakyan. Lumapit na lang ako sa compartment nang mapansin kong walang balak bumaba 'yong driver para alalayan ako sa gamit ko. Binuksan naman ito ng driver mula sa loob at pinasok ko roon ang maletang dala at bagpack. Bakas sa mukha ko ang hirap sa pagpasok dahil sa bigat nito. Hindi na talaga uso ang gentleman sa panahon ngayon. Nang matapos sa paglalagay ay sinarado ko na ito at pumasok sa back passenger seats. Napansin ko kaagad 'yong driver n