Jhoyce's POV Ilang oras na akong nakatingin sa bawat parte ng kwarto. Halos kabisado ko na yata kung saan nakalagay ang mga gamit dito dahil wala akong ibang ginawa kung hindi ilibot ang tingin ko. Pagkatapos kong magbihis kanina ay hindi ko na pinansin si Franco. Pinaliwanag niya naman sa akin kung bakit umabot hanggang dito 'yong paglilihim nila. Pero may parte sa akin na para bang ayoko munang maniwala. Ayoko munang makinig sa kaniya. Siguro sa sobrang daming taong nagsinungaling sa akin ay hindi ko na alam kung sino pa ang paniniwalaan ko. Parang ang hirap ulit magbigay sa kanila ng pagkakataon at baka muli na naman nilang sirain 'yon. Tama na muna siguro 'yong ganito kami ngayon. Napahawak ako sa tiyan ko nang marinig ko ang pagtunog nito. Napansin ko pang napalingon sa pwesto ko