Jhoyce's POV Napalingon ako sa may pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Franco na basa pa ang buhok, mukhang kakatapos niya lang maligo. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Nakatitig lang ako sa kaniya ng ilang segundo hanggang sa lumapit siya sa akin at hinawakan ang noo ko. Tinanggal ko ang kamay niya na nakalapat sa akin. Napaiwas naman ako agad nang maramdaman ang init ng palad niya na dumadaloy sa buo kong katawan. "Anong nararamdaman mo ngayon?" Hindi ako makapagsalita. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dahil sa kahihiyan. Ano bang ginawa ko? Bakit naman ako pumayag sa kaniya na ibigay ang katawan ko? Bakit napakatanga mo, Jhoyce? "Jhoyce," pagtawag niya sa pangalan ko. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama, pero hindi ko siya nilingon. Naagaw ng pansin ko ang mga