Jhoyce's POV I looked outside the room and looked back at the cellphone that was still ringing. I took it and sighed before answering the call. "Hello, Franco? Thank God you finally answered," sabi nito sa kabilang linya. Nanatili akong tahimik at hindi gumawa ng ingay. "Alam kong masama pa rin ang loob mo sa akin hanggang ngayon, pero pwede bang pumunta ka sa condo ko ngayon? Please, kailangan kita ngayon. Hindi ko kayang gawin 'to ng mag-isa." Gusto kong tanungin kung bakit pa ba siya tumatawag? Kung bakit niya pa ginugulo si Franco na nananahimik na? Hindi pa ba sinabi sa kaniya ni Franco na may asawa na siya? "Franco, still there? Bakit ayaw mong magsalita? Please, can you c---" Bago niya pa ituloy ang sasabihin ay mabilis ko nang pinatay ang tawag. Nakatingin lang ako sa hawak kon