Jhoyce's POV Hindi ako mapakali habang paikot-ikot ako ng lakad sa may hallway. Hinihintay ko ang sasabihin ng doctor kung bakit bigla na lang nagkaganoon si Hendrix dahilan kung bakit siya sinugod sa hospital. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko simula kanina dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko tungkol sa kaniya. Napansin ko rin na natuyo na ang dugo sa kamay ko dahil sa pag-alalay ko kay Hendrix kanina sa may coffee shop. Natigilan ako sa paglalakad nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Nakita ko naman sa screen ang pangalan ni Franco nang ilabas ko ito. Napansin ko rin ang oras kaya alam kong nagtataka na siya kung nasaan na ako at kung bakit hindi ba ako umuuwi. Hindi pa naman ako nagpaalam sa kaniya kanina. "Jhoyce, anong oras na," bungad niyang sabi