Jhoyce's POV Napadilat ako ng mga mata nang maramdaman ang pangangalay ng kanang braso ko dahil sa pagkakahiga. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Luis habang nakatingin sa akin. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" "Nasaan tayo?" tanong ko nang makaupo mula sa pagkakahiga. Sinandal ko naman ang likod ng katawan sa may headboard at pasimpleng minasahe ang nangalay na braso. "Nasa bahay niyo." Nilibot ko ang tingin sa paligid at napansin kaagad na nasa loob kami ng kwarto na bahay na tinutuluyan namin ni Franco. "Anong nangyari? Paano ako napunta rito?" naguguluhang tanong ko. "Nahimatay ka sabi ng asawa mo," wika niya. "Inuwi ka na namin dahil baka mag-alala pa 'yong ibang team kapag nalaman nila ang tungkol sa iyo." Ang huling natatandaan ko ay nagpanggap akong nawalan ng malay