Jhoyce's POV Ang buhay ay parang kalsada--- mahaba at maraming dumaraan. Ang daming struggle katulad ng mga pasikot-sikot at lubak-lubak na daan. May oras na napapahinto ka kapag kailangan mong magpahinga. Pero sa haba ng kalsada ay may katapusan din ito, kung saan kailangan mo nang tuluyang huminto. Ganoon ang buhay na mayroon si Hendrix ngayon. Malapit na siyang makarating sa dead end. Sa daming struggles sa buhay niya ay nalagpasan niya ito, pero tuluyan din siyang hihinto kapag wala ng daan na madadaanan. Maybe God has more effective and better plans for him than he has for himself. "Sigurado ka bang diyan ka matutulog? Hindi ka ba mahihirapan? Bakit hindi ka umuwi sa inyo at doon matulog o kaya naman pumunta ka ng hotel?" sunod-sunod na tanong ni Hendrix habang nag-aayos ako ng pa