Jhoyce's POV Why do I feel betrayed by everyone? Why do I feel like everyone I trust is hiding something from me? I feel like they are hiding a huge thing from me. Is it really that easy to lie to me because they know I can forgive them right away? Is that how they think of me? That I am a weak, pathetic, and gullible person? "Anong nangyari, Jhoyce? Ano 'yong narinig kong pagkabasag? Are you okay?" tanong ni Anton. "T-Tawagan na lang kita mamaya." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay pinatay ko na ang tawag at parang lantang gulay ang kamay ko nang ibaba ang cellphone. Nakatulala lang ako at para bang 'yong ibang boses na naririnig ko ay bigla na lang nawawala. Ang naririnig ko lang ay ang pauli-ulit na sinabi ni Anton sa akin kanina at naiinis na ako dahil hindi ito maalis sa isip ko.