Jhoyce's POV "Your parents called me earlier. Mukhang may mahalaga silang sasabihin. Gusto mo bang pumunta?" ani nito. Natahimik ako habang nakatingin sa kaniya. "Okay lang naman kung ayaw mo. Alam ko namang may problema ka sa kanila kaya okay lang sa akin na huwag na tayong tumuloy." Mukhang nakalimutan ko na 'yong bagay kung bakit galit ako sa kanila. Siguro ay marami lang talagang nangyari nitong mga nakaraang araw kaya nawala na sa isip ko 'yong tungkol sa mga nalaman ko. "No!" pagpigil ko sa kaniya. "Pupunta tayo sa kanila ngayon!" Gusto ko na ring matapos kung ano man ang gusto nilang sabihin sa akin. Kapag hindi ko sila pinuntahan ngayon alam kong kukulitin lang nila ako sa bagay na 'to. "I forgot to tell you. Alam din pala ng parents mo ang nangyari sa iyo sa bar at alam nilan