"Marco…" Napalunok siya. Nakakailang ang tagpong iyon kahit pa ilang beses ng may nangyari sa kanila. "For now, pwede bang isipin natin na tayong dalawa lang ang tao sa mundo, moo?" He lowered his head and brushed his mouth lightly against hers as if he were testing the waters. Napasinghap siya. Bakit ba kasi napaka-romantiko naman yatang masyado ni Marco ngayon? Sa salita pa lamang tuloy nito ay tila natutunaw na ang bawat himaymay ng kanyang katawan. "I'm all yours, boo. Mahal na mahal kita," halos pabulong na ring sabi niya. Deliberately, she made herself concentrate on the warmth emanating from his stong body. Nararamdaman niyang halos mapaso na siya sa init na hatid ng balat nito na dumadaiti sa kanyang balat. Amoy na amoy niya ang pamilyar na amoy ni Marco na hinahanap-hanap niya