MARCO TILA nananaginip ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay natutunaw ang kanyang puso nang tuluyang mapagmasdan ang mukha ng babaeng pinakamamahal. Kulang ang sabihing masaya siya. Dagli ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata at kitang-kita niya kung paano nangunot ang noo ni Vrenda dahil doon. Para siyang sinaksak sa kaalamang talagang hindi siya nito nakikilala. Pero hindi na importante iyon. Ang mahalaga ay nakita na niya ito at hindi na siya papayag na hindi niya ito kasamang uuwi. "Moo…" tanging nasabi niya saka ito mabilis na kinabig at mahigpit na niyakap habang patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha. "S-sir?" litong tanong nito na nagpipilit kumalas sa kanya. Hindi siya handa sa ganoong reaksyon ng dalaga sa yakap niya kaya saglit lamang ang lumi