Chapter 65

1224 Words

MARCO "Hindi kaya napanood ni Vrenda 'yung interview mo sa TV at nalaman niyang masamang tao si Gwyneth kaya siya tumakas, pare?" ani August nang puntahan niya ito isang araw. Nagpatulong na rin siya sa advertising company nito para sa ikadadali ng kanilang paghahanap.  "Kung nangyari nga 'yang sinasabi mo, hindi ba dapat nga na mas lalo pang napadali ang pag-uwi niya, bro? Pero wala pa rin. Isang linggo na mula nung ginawa 'yung interview." Kumuha siya ng isang flyer na may mukha ng kasintahan at pinasadahan iyon ng tingin. Miss na miss na niya ito at alalang-alala na rin siya. Araw-araw ay ipinagdarasal niya na sana'y may nakakuha rito na isang mabuting tao at isang araw ay ihahatid na lamang sa kanila, o 'di kaya ay mananawagan sa telebisyon na sunduin ito sa ganito o ganoong lugar. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD