PUMUNTA ako sa nursery room at naroon nga si Marco. Nakatalikod ito habang magka-ekis ang mga braso sa dibdib at tila malalim ang iniisip habang palinga-linga sa silid. I cleared my throat and he faced me. "Moo, bakit hindi ka pa nagpapahinga?" kunot-noong tanong niya nang makita ako. Lumakad ako ng ilang hakbang palapit sa kanya. "Wala. Ang tagal mo kasi. Ano ba'ng ginagawa mo rito?" I asked him with a little bit smile painted in my face. "Iniisip ko lang kung ano pang kulang dito, sweetheart," aniya. Natuwa ako dahil talagang hands on siya pagdating sa mga bagay na kailangan naming mag-ina. "Wala ng kulang dito kaya mag-relax ka na. Si baby na lang talaga." Napansin kong natigilan siya. "Ang bilis ng panahon, moo, 'no? Akala ko hindi na ako magiging ganito kasaya. Pero heto na t

