MARCO ABOT ang tunog ng telepono ko habang paalis ako ng hotel room at sigurado akong ang tumatawag ay isa sa mga ka-meeting ko dapat doon. Pero ngayon ay hindi sila mahalagang lahat. Wala akong pakialam kung umatras sila sa proposal na magkaroon ng El Greco dito sa Bacolod o kung I-full out nila ang malaki-laki ring shares sa El Greco Makati. Saka ko na aayusin ang gusot na ito. Kung hindi naman maaayos ay okay lang din. Ang importante ay makauwi ako. Sa eroplano ay in-off ko ang cellphone ko. Hindi ko alam pero ayokong makatanggap ng balita tungkol kay Vrenda habang malayo ako. Gusto kong naroon na ako sa tabi niya kapag nalaman ko ang lahat ng nangyari at mangyayari pa. Kanina pa wala sa ayos ang t***k ng puso ko at ayoko ng dagdagan iyon kapag may hindi magandang balita pa ang nakar

