NGAYONG araw ay masasabi kong kumpleto na ang buhay ko. Wala na akong mahihiling pang iba. Kung noong high school kami ay pangarap ko lamang si Vrenda, ngayon ay may bonus pa, may naging bunga pa ang pagmamahalan na akala ko noon ay imposibleng mangyari. Nakakatuwa dahil sa dami ng nangyari sa aming dalawa, heto at nananatiling kami pa rin. Pagdating ko ay umuwi na rin muna sina Sheryl at August. Ang Mommy at Daddy ni Vrenda ay nananatili roon at sinabing hihintaying makalabas si Vrenda kaya sinabi kong umuwi muna sa bahay namin para makapagpahinga ang mga ito. "Sigurado ka bang kaya mong mag-isa rito, hijo?" tanong ni Tita Cita maya-maya. "Oho, Tita. Kailangan ko na hong magsanay na alagaan silang dalawa ng sabay. Bukas ho siguro ng umaga ay susunduin ko si Nanay Ditas." "Pero wala

