VRENDA "Sigurado ka bang okay lang kay August, She? Akala ko ba bed rest ka dapat hanggang second trimester?" aniya sa kabilang linya. Kasalukuyan siyang naglilinis ng bahay ni Marco malapit kina Nanay Ditas nang tumawag ang kaibigan. "For God's sake, Vren! Pagbigyan mo na ako, please? Malapit na akong umatungal dito sa bahay namin dahil sa sobrang inip! Kumbaga sa pahinuging mangga, well riped na ako rito!" tila batang sumbong nito sa kabilang linya. Gumagaralgal pa ang boses nito na tila nga naiiyak na. "Vren, pagbigyan mo na ang bestfriend mo. Naaawa na ako dito, e. Kung pwede lang na mag-leave ulit ako sa office para ako ang sumama sa kanya ay gagawin ko. Ang problema ay hindi ko na magagawa dahil sobrang daming trabaho." Tinig ni August ang narinig niya na tila kinuha ang telepon