Chapter 58

1220 Words

MARCO ISANG maaliwalas na umaga iyon ng Sabado at tila nakikiisa ang langit sa kasiyahan ng lahat. Walang pagsidlan ang kaligayahan sa kanyang dibdib dahil sa wakas ay magiging kanya nang ganap ang babaeng matagal ng iniibig. Bago matapos ang araw na ito ay matatapos na rin sa wakas ang pagiging single ng status niya. Hindi na siya i-bu-bully ni August kapag napag-u-usapan nila ang tungkol sa buhay may asawa. Sa wakas ay ikakasal na siya. Kanina nang magkausap sila ni Vrenda sa telepono ay ipinahayag niya rito kung gaano siya kasaya. Ito naman ay hindi mapigilang umiyak habang magkausap sila dala ng labis ding kaligayahan.  Inilinga niya ang paningin sa kanyang mga panauhin na nasa simbahan na rin. Kahit sino ang tingnan niya sa mga ito ay kasiyahan ang mababakas sa mukha ng bawat isa. L

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD