VRENDA NAGISING siya na mabigat na mabigat ang kanyang ulo. Pakiramdam niya ay may kung anong matigas na bagay ang bumangag doon. Ang pakiramdam na bugbog ang katawan niya ay naroon din. Gayunman ay pinilit niyang imulat ang mga mata. Dalawang babae ang nabungaran niya ngunit parehong hindi niya kilala. Inilinga niya ang paningin habang dahan-dahang bumangon sa kama. "S-sino k-kayo?" Sa bahagyang bukas niyang mga mata ay pinilit niyang magsalita. "H-hindi mo kami kilala?" gulat na tanong ng isang babae na halatang mayaman. Umiling siya. "A-ano'ng pangalan mo?" tanong nang isa. Hinawakan niya ang kanyang ulo at doon ay nakapa niya ang bendang nakatapal doon. Muli ay umiling siya. Maging pangalan niya ay totoong hindi niya alam. Nakita niyang muling nagkatinginan ang mga ito. "S-sin