MARCO ISANG LINGGO ang mabilis na lumipas ngunit nananatili silang bigo sa paghahanap kay Vrenda. Sinuyod na nila maging ang daan nito noon papunta sa simbahan ngunit ni isa ay walang nakakita sa maaaring nangyari. Wala ring CCTV sa lugar kaya nahihirapan silang makahanap ng ebidensiya. Ilang investigator na rin ang kinuha nila ngunit ang tanging naibigay lamang na impormasyon ng mga ito ay ang lugar kung saan pwedeng magtago si Sally, kasama ang anak at pinsan nitong driver noon ng sinakyan ni Vrenda na ngayon ay napag-alaman nilang asawa pala ng babae. "Diyos ko! Nasaan na ang anak mo, Bert?" umiiyak na sabi ni Cita Dela Vega. Nilapitan ito ni Edilberto at niyakap. "We're going to find her no matter what, honey, okay? Tigilan mo na ang kaiiyak at walang maitutulong 'yan. Isang lingg