MARCO NATUNTON nila ang pinagdalhan ni Gwyneth kay Vrenda ngunit wala na silang dinatnan. Tanging ang wedding gown at sapatos na lamang ni Vrenda ang naroon na nagpasikdo sa awa niya para sa kasintahan. Tadtad kasi ng dugo ang damit pang-kasal. Dahil doon ay hindi niya napigilang maluha. Iniisip pa lamang niya kung gaano kahirap ang sinapit nito ay para na siyang pinapatay. Malalaki ang hakbang na hinalughog niya ang bahay. Bawat sulok ay siniguro niyang wala siyang nalampasan. Pero bigo siya. "Nasaan na sila?! Baka naman hanggang sa puntong ito ay niloloko n'yo pa kami?! Singhal ni August sa mag-asawa. "H-hindi po. T-tatawagan ko ho si Miss Gwyneth para maniwala kayo. Sandali lang ho." Nag-dial si Sally at ini-loud speaker iyon. Maya-maya nga ay narinig nilang nagsalita si Gwyneth sa