VRENDA TAGAKTAK ang pawis niya nang mapabangon siya sa kama. Nanaginip na naman kasi siya. Ang totoo'y pangatlong beses na siyang ginagambala ng panaginip niyang iyon. Sakay raw siya ng isang kotse at nakasuot siya ng tila damit pang-kasal. Ngunit nakita niya ang sariling nakikipag-agawan sa manibela sa isang lalake at nakatakda sanang bumangga sa isang malaking puno ngunit tumalon siya at tumama sa isang malaking bato partikular ang kanyang ulo. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin nang panaginip niyang iyon pero may pakiramdam siya na totoong iyon ay naganap. Lalo at isang damit pang-kasal na may bahid ng dugo ang nakita niya sa unang bahay na nakagisnan niya nang siya ay magka-malay. Hinamig niya ang sarili saka umalis sa kama. Wala na ang ate Tanya niya nang magising