Phoebe Normal lang bang kabahan ng sobra sobra kapag ipapakilala sa magulang ng partner mo? Huhu. Feeling ko lalabas na yung puso ko sa sobrang lakas ng kalabog. Hinaplos ko ang lukot na part ng pink dress ni Fara at ganon din ang blue polo ni Ford. Seeing my twins right now makes me calm and proud. Ang laki na talaga nila at ang ganda at gwapo. Ng masiguro kong ayos na ang kambal ay tiningnan ko naman ang sarili ko sa mirror ng Kotse. I'm wearing a simple white dress na above the knee. Hindi naman siguro kailangan bongga ang isuot ko, dinner lang naman yun, baka mapansin nilang masyado kong pinaghandaan. Muntik pa kong magsuot ng pang party kanina dahil sa kaba, di ko talaga alam ang susuotin. Si Sandler pa, hindi talaga ako tinigilan kanina. Pinamulahan ako ng mukha