Phoebe Pagkauwi ko ng bahay naabutan ko si Sandler at Fara sa hagdan. Nagtaka ako nung makitang lahat ng laruan ni Fara ay nakakalat sa sahig. Nakita kong nililinis yun ni Manang, napalingon si Sandler sakin at dali daling tumayo para halikan ako sa pisngi. "Ano nangyari?" tanong ko sakanya. Hilaw siyang ngumiti at nagtaas ng balikat. "I don't know Love. Pagdating ko ganyan na sya, hindi pa nga ako kinakausap eh." Napabuntong hininga nalang ako at lumapit kay Fara na nakaupo lang sa ibaba ng hagdan. "Fara Baby, What's wrong?" Tanong ko sakanya at hinaplos ang buhok nya pero inilayo nya sa kamay ko ang ulo nya at naglakad papunta sa isang sofa at doon umupo. Nung makita nya ang isa sa mga laruan nya na nasa paanan niya, sinipa nya ito. Napatingin ako kay Manang na napa