Tila bumigat ang hanging nakapalibot sa aming dalawa. Tuluyan nang naglaho ang ngiti ko. Malalim siyang bumuntong hininga. "What about Teddy?" pag-iiba ko ng usapan. Sandaling nagsalubong ang mga kilay niya. Naghintay naman ako hanggang sa lumayo siya mula sa akin at hinila ako paupo sa kama. "I left him." Bahagyang namilog ang mga mata ko. "You mean, you didn't save him?" Teddy wasn't that important, really. Hindi ko lamang matanggap na halos mamatay na siya sa ginawang pagpasok sa gumuguhong gusali para lamang sa isang stuffed animal. At ngayon ay malalaman kong hindi naman pala niya nailigtas. "No," mababa ang boses niyang tugon. "He's safe, but I left him in Italy before we went here." So Teddy is okay. "Wala talaga sa plano ko ang lahat ng ito. Ang buong gusto ko lang ay makapa