Naramdaman ko rin ang pagpipigil ni Rigel sa aking tabi. Maraham kong hinaplos ang kanyang hita upang tulungan siyang kontrolin ang sarili. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ni Steve. "Hindi ko kukunsintihin si daddy sa ginawa niya—" "Ten years. Sampung taon na Stacey at hanggang ngayon ay malaya pa rin ang ama mo. Nagawa mo ngang magpanggap na magka-amnesia para maghugas-kamay sa lahat ng nangyari—" "Hindi ako nagpanggap at hindi ako naghuhugas-kamay—" "Sobra na, Steve," ani Rigel sa matigas na tono. Agad siyang tumayo at inalalayan ako. Ayaw ko mang sumunod ay nagpatianod ako at tumayo na rin sa kanyang tabi. "Hindi ko na matatanggap pa ang mga salitang ipupukol mo sa kanya." Umawang ang bibig ni Steve at tumayo na rin. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa amin ni Rigel bago ma