Wala sa sarili akong nagbabalik-balik sa loob ng silid. Ibig sabihin, kung aamin si daddy ay mas madali na ring maaayos ang lahat ng ito. Ngunit kailan naman iyon? Rigel said my dad wants to talk to me. Para saan at bakit pa? Noong huli ko silang nakausap sa telepono ay galit pa rin siya sa akin. He obviously didn't want to talk to me. Bagsak ang balikat ay binalikan ko ang laptop sa kama. Naisipan kong muling tawagan si Doctora Yanie. Ngunit palapit doon ay iba ang tumakbo sa isipan ko. Mabilis kong nilingon ang nakasaradong pinto bago naupo sa kama. I'll call dad instead. Baka may mahalaga siyang gustong sabihin sa akin. Dalawang beses kong sinubukan ang account ni daddy bago siya sumagot. Tahimik akong napabuntong hininga nang makita ang pamilyar na loob ng kanyang study. Hindi ba tal