"Use my laptop to contact that Doctora Yanie. But make sure to use my accounts. Hindi mo pwedeng gamitin ang iyo at baka isipin nina Reymart na kino-contact mo ang parents mo. Tandaan mong hindi mo pa sila pwedeng makausap ngayon." Tipid akong ngumiti at marahang tumango. Nang maiwang mag-isa sa kwarto ay sinubukan ko nang gamitin ang laptop ni Rigel. Imbis na hanapin ang ospital na pinagtatrabahuhan ni Doctora Yanie ay pinakaelaman ko muna ang laptop. Nabanggit na rin niya kanina ang password. I checked some messages to all his accounts. Karamihan ay business lang at galing din sa mga kaibigan. Ayaw ko mang tingnan ay masyado pa rin akong nacurious sa mensahe galing kay Karen. Karen: Rigel, please. Let's talk. Rigel: I've prepared your ticket. Mas makakabuti kung sa Italy ka na muna.