Mamita and I easily got along. Totoong mabait siya at para ng anak ang turing kay Rigel at sa lahat ng narito. Ganoon din sa akin. Tinuruan niya ako sa iilang gawaing bahay, partikular sa gawaing pangkusina. Kahit hindi sang-ayon doon si Rigel ay wala siyang nagawa dahil iyon naman ang gusto ko. Besides, ayaw ko namang tumanganga na lamang. Nasabi ni Mamita na mas magiging madali sa akin ang panganganak kung kikilos ako. Lumalaki na rin naman ang tiyan ko. The island is really so nice and refreshing. Lalo na dahil hindi na ako masyadong na-i-stress. Ang problema na lamang ay palagi kong naiisip ang mga magulang ko. Gusto kong makita sila anuman ang hindi namin pagkakaunawang lahat. Lalo na si daddy. Alam kong galit pa rin siya sa akin dahil sa lahat ng ito. Iyon nga lang ay hindi ko alam