"Dad!," I called in a broken and worried tone. Ang mga luha ko ay nag-uunahang lumandas sa aking pisngi. Kumurap-kurap ako at pinunasan iyon upang hindi lumabo ang aking paningin. Natatakot ako na sa isang iglap lang ay mangyari ang bagay na kinatatakutan ko—ang mangyari ang paghihiganti ni Rigel sa pamilya ko lalong-lalo na kay daddy. "W-What's the meaning of this?" si daddy na gulat at nagtataka man ay punong-puno pa rin ng galit ang tono. Katulad ni mommy ay masama rin ang tingin niya sa kanilang mga tauhan na ngayon ay tinatraydor sila. The guns they bought for them to use and protect this family are now pointed to us with the men they thought loyal enough for our safety. Kahit ako ay naging matalim ang tingin sa kanila. How dare them do this to my parents? "M-Mr. Kenley?" dad's voi