"Is this all?" pag-uulit ni Rigel habang inaayos ang sariling mga damit sa kanyang sports bag. Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Wala sa sarili kong hinawakan ang sariling travellers bag. We didn't pack much, iyong kakailanganin lang. Isa pa ay may mga gamit pa rin naman ako sa mansyon. I still don't feel good about this. Ngunit anumang sabihin ko ay hindi na nakikinig si Rigel. Maybe because deep down, he knows how much I want to do this as well. I'm just denying it because I'm too afraid of what might happen. "Are you good?" Tipid akong ngumiti at tumango nang humarap sa akin. Hinayaan ko ring kunin niya ang bag ko. Marahil ay napansin ang pag-aalinlangan ko kaya naupo sa kama at sa aking harapan. "Princess..." he sighed and I immediately interjected. "I'm fine. I'm good. I un