Sa rahas ng bantang iyon ay hindi ko na naiwasan ang tahimik na mapahagulgol. Pilit kong pinigilan ang sarili at mabilis na pinunasan ang mga luha. "At hihintayin ninyo na lang m-mamatay si d-daddy, ganoon ba?" Sandaling natahimik si Reymart. Ngayon pa lamang siguro napansing nakaloud speaker ang tawag. "Y-Yes," pilit niyang sagot. I almost believe that I can convince him to let dad get to a hospital kung hindi lang ako naunahan ng panibagong galit niya. "At huwag ka nang humiling kay Rigel na mapuntahan sila Little Yanes. It's either we let him die by himself in that mansion or I will immediately order my men to start a battle— and your parents are cold corpses before you can even get out that island." "Reymart," Rigel gritted his words warningly. Natigilan din si Reymart sa boses niyan