"Happy 1st month baby Serena!" sabay-sabay na bati ng lahat habang nasa kusina kami. Hawak ni Mamita ang cake na pinagtulungan naming gawin kagabi. Malaki ang ngiti ng lahat habang nakatitig sa baby'ng nasa mga bisig ko. Isang buwan pa lang pero parang ang bilis na lumaki. "So adorable talaga!" nanggigigil na sinabi ni Miracle habang pinipigilan ang sariling mapisil ang pisngi ni Serenity. Hindi nila iyon pwedeng gawin kung kaharap si Rigel. Ang iyakin din kase nitong anak namin, kaunting pisil lang ay umiiyak na. Sama-sama naming kinain ang cake at ilang pagkaing niluto ni Mamita bilang celebration sa unang buwan ng kanyang apo na rin. Buhat na ni Rigel si Serenity dahil hindi ako makagalaw nang maayos. We didn't get any nanny for our daughter not because of our situation here. Mas gust