Namimilog at mapupungay na mga mata ang sandaling naglabanan. It's like a staring contest but I don't have any intention of winning. Hindi rin naman ako mananalo kung siya ang kalaban. And besides, we are not playing any game. We are talking about serious matter here. Ngunit hindi ko naman magawang seryosohin ang sinabi niya. At mas lalong ayaw ko iyong gawin laro. Mapait akong tumawa at nag-iwas ng tingin, nagbabakasali na baka nga nagbibiro lamang siya. Ngunit muling nagtama ang paningin namin at nanatili pa rin sa kanyang mga mata ang sinseridad at pagkaseryoso sa sinabi. Mas lalong namilog ang mga mata ko at hindi malaman kung ano ang itsurang nakatingin sa kanya. "Niloloko mo ba ko?" hindi makapaniwalang tanong ko at sinubukang bumaba mula sa kanyang hita ngunit hindi niya ako pinah