"What's happening to her?" matigas na tanong ni Steve na nababalutan ng kyuryusidad at pag-aalala. Walang sumagot. Tanging ang paghikbi at ang pagpapakalma sa akin ni Rigel ang naging ingay sa kusina. Nakabaon ang mukha ko sa kanyang dibdib. May iilan akong kaluskos na narinig bago nagsalita si Mamita at lumapit sa amin. "Uminom ka muna, iha." Pinakawalan ako ni Rigel upang tanggapin ang basong iyon. Hindi nawala ang braso niya sa akin. Ganoon din naman ang mahigpit kong pagkuyom sa damit niya, takot na bumagsak sa sahig dahil sa panghihina. "What happened?" nag-aalalang tanong ni Rigel matapos kong mapangalahatian ang tubig sa baso. Kinuha rin iyon ni Mamita at muling nanood sa amin. Humihikbi at basa ang sulok ng mga mata ay sinalubong ko ang kanyang tingin. Umawang ang labi ko ngu