Miles Point Of View* Nagulat pa din ako habang nakatingin sa kanila. Bakit mas excited sila sa kaarawan ko? Napatingin ako sa phone ko at doon ko nakita na malapit na ang birthday ko. "Uncle, pwede naman normal birthday lang naman ang gagawin natin. Wag naman yung garbo." "Napag-usapan na natin ang bagay na yun, Baby Miles." Napapout naman ako sa sinabi ni Uncle Oly. "Baby Miles, maraming gustong makita ka ulit. Agad kang nagustuhan ng mga noble na mga anak nila dahil ang bait mo daw." Nagulat ako sa sinabi ni Brother Hadrian. "Oo nga, ikaw ang bukang bibig nilang lahat. Parang ginayuma mo atah ang mga noble eh," ani din ni Brother Edward. Doon ko naalala ang mga ginawa ko nung party na kaarawan ni Brother Hadrian. "W-Wala akong ginawa ha..." Naningkit naman ang mga mata nila.