Miles Point Of View* Nakarating na kami sa mansion dito sa Pilipinas at agad kaming sinalubong ng mga kaibigan namin na sina Silvia, Oliver at Jeson. "Miles!" naiiyak na ani ni Silvia at niyakap ako ng maigi. Suminok sinok pa siya habang yakap yakap ako at niyakap ko na lang din siya pabalik. Namiss ko din ang Secretary ko. "Thank God, walang masamang nangyari sayo. Wala ka namang sugat o galos man lang noh?" "Wala naman. Inalagaan naman nila ako doon kaya wag kang mag aalala." "Akala ko talaga di na tayo magkikita. Di ko kakayanin na mawala ka, Miles." Napangiti ako at pinat ko ang ulo niya. Naalala ko na tumulong din silang dalawa ni Oliver sa kompanya. "Hindi yun mangyayari at salamat sa lahat dahil isa din kayo sa tumulong sa kompanya namin." Napailing iling naman sila. "Wala