Miles Point Of View* Natapos na kaming kumain at lumabas na kami at napatingin ako sa paligid pero di ko pa din pinahalata na may hinahanap ako. Kumapit ako kay Maxwell dahil alam ko na nakatingin pa din siya sa akin at alam ko na nagseselos siya dahil ako ang kasama ni Maxwell at hindi siya. Nabasa ko na ang information ng babaeng yun at alam ko na si Maxwell lang ang sagot sa lahat ng kalandian niya. Huminto ako sa paglalakad nung nasa labas na kami at natigilan din si Maxwell dahil sa ginawa ko. "Wife?" mahinang ani niya. Isinabit ko ang kamay ko sa batok niya at hinila ko para palapit ang mukha niya sa mukha ko at ngumiti ako sa kanya. "What is it?" Ngumiti ako at hinalikan ko ang labi niya na at nagulat naman ang pamilya ko dahil sa nangyari at isang iglap may isang sasakyang h