Miles Point Of View* Ito na ang pinaka kinabahan ko dahil dadalo ngayon ang lahat ng Mafia bosses sa iba't ibang parte ng mundo at matagal na pala nilang inanunsyo ang bagay na yun at ako lang ang walang alam? Alam kasi ni Maxwell ang bagay na yun pero wala man lang pasabi na birthday ngayon ni Maxius at kasabay nun ay ang pagpapakilala sa kanya bilang heir at magpapakita na din si Brother Maxelious sa lahat kasama si Sister Stephanie. Mabilis naman kasing nabalik ang lahat ng mana kay Brother Maxelious at parang handang handa talaga si Maxwell sa bagay na ito. Ewan ko sa kanya. Kahit binalik niya ang Kompanya sa Kuya niya ay may sarili din naman siyang Kompanya at nakapangalan iyon sa aming dalawa. Ang plano ko nga ay ipapangalan ko din ang kompanya sa aming dalawa at di na siya magig