Miles Point Of View* Nakatingin ako sa kanila ngayon na tahimik na kumakain. Ang weird naman nila at napatingin ako kay Kyler na nananatiling nakatingin sa malayo. Hindi naman siya ganito pero bakit parang nagi-guilty siya? “Kumain ka na din dito, Kyler.” Nagulat naman ito dahil sa sinabi ko at agad napa iling iling. “Hindi na po, Milady. Sabay na kaming kumain ng baby loves ko.” Napatingin naman ako kay Anna na namumula dahil sa sinabi ni Kyler at napakagakat labi pa ito. “Anna, sumali ka na din dito. Para sumabay na din si Kyler." “May kasabay na po kami. Sa inyo na lang po ang mga pagkain na nandiyan. Meron naman po kaming sa amin. Hindi po kami pwedeng sumabay sa inyo." May rules ba na ganun? “Okay, sabi ninyo eh.” Napatingin ako kina Dad at Mom at Lucas na seryosong kumakain