Miles Point Of View* Nakarating na kami sa kwarto at nakita namin na nakatalikod si Kyler at nakatingin siya sa malayo. Bakit parang nag emote ang isang ito? Ano naman kaya ang nalaman niya? Parang kinakabahan ako ngayon huh. Lumakad kami ni Maxwell papunta sa Balcony kung saan nakatayo si Kyler. "Kyler?" Napatingin ako kay Kyler na tumingin sa amin. "Milady." Nakita ko na parang di siya mapakali. Alam ko kung ano ang ekspresyon niya kahit malamig ang mukha niya ngayon. Lumakad ako at inanalayan akong umupo ni Maxwell at umupo din ito sa tabi ko habang nakatayo pa din si Kyler. "Have a sit, Kyler." Lumakad siya at umupo sa harapan na upuan namin. "Anong nakita mo sa kanila? May nalaman ka bang sekreto tungkol sa pagkatao nila? Just tell me every detail and every period." Napaku