Miles Point Of View* Dumating na ang araw na hinihintay ko at yun ay ang kaarawan ni Sienno. Kanina pa ako nakatingin sa phone ko. Hindi pa kasi dumadating si Maxwell na kanina pa dapat dumating. Lumapit sa akin si Mom at hinawakan niya ang kamay ko. "Darling, anong problema?" tanong sa akin ni Mom. "Mom, hindi pa dumadating ang asawa ko. I really miss him so much. Kanina pa dapat siya dumating eh bakit wala pa siya? Wala namang masamang nangyari sa kanya ano?" Gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak ngayon dahil baka masisira ang make up ko. Lumapit naman sa akin si Dad na nag aalalang nakatingin sa akin. "Teka bakit malungkot ka, Miles?" "Dad, nag aalala ako kung ano na ang nangyari sa Asawa ko. Nasaan na siya? Nalocate na ba ninyo?" Nagkatitigan naman sil