LAKING PASALAMAT NI ALLEAH dahil hindi na nang-asar o nam-badtrip si Kael pagkatapos nitong magbanyo. Siguro may nangyaring himala sa CR. Charrot. Ngayon ay pauwi na sila sakay ng kotse. Tapos na ang klase ni Charisse. Si Kael na nagda-drive ay tahimik pa rin. Nga lang ay nahahalata niya na minsan ay panay ang tingin nito sa kaniya sa rare view mirror. Ewan niya kung bakit. Siguro nagdududa na naman ang impakto. “Ay, naku naman talaga,” lihim niyang himutok. Pero sige lang, hindi na siya papaapekto dahil wala naman siyang binabalak na masama. Si Charisse na nasa tabi niya ay nagta-tablet naman. Busy na naman sa f*******: at sa Wa-Wapppad yata 'yon o Wattapad. Ewan niya, basta mga stories na binabasa ang laman. Matalino talaga itong si Charisse. May paraan talaga para makapagbasa ng m

