Alas syete na nang makauwi sila dahil ang dami pang customer. Dapat alas-sais ang uwi ni Maiza dahil walong oras lang dapat ang duty niya sa flower shop, pero siya ang nagboluntaryo na tulungan muna si Iris sa pagbebenta. Umalis kasi saglit ang magkaibigang amo nila. At dahil first day niya ay pagal ang buong katawan niya. Nanibago ulit siya sa pagod.
Nag-stretching muna siya bago niya binuksan ang pinto ng bahay. May sarili na rin siyang susi. Bigay rin kanina ni Ate Olivia kasabay nung cellphone. Sa ganoon daw ay makapasok siya any time lalo na ngayon na may trabaho na siya. Ginusto naman niya para hindi niya naaabala pa ang ginang.
“Bakit walang ilaw?” nagtakang nausal ni Maiza nang nakapasok siya sa bahay. May mga ilaw naman kasi ang mga kapitbahay nila.
Kinapa niya ang switch at pinindot iyon. Mas nagtaka pa siya nang nakita niyang tulog si Olmer sa mahabang sofa. Nakapantalon ito pero walang pang-itaas na damit.
At si…
At si Ate Olivia!
Nasa pang-isahan naman na sofa ang ginang na tulog din habang naka-nighties. Nakalislis pa iyon sa bandang halos singit na nito.
“Ano’ng nangyari? Ang aga naman nilang matulog? At bakit dito sa salas sila natulog?!” sa isip-isip ni Maiza.
Alanganing nilapitan niya ang asawa at marahang niyugyog sa balikat.
"Oh, dumating ka na pala?" pupungas-pungas na tanong sa kaniya ni Olmer nang maalimpungatan.
"Bakit kayo dito sa salas natutulog ni Ate Olivia?"
Lumaki ang mga mata ni Olmer nang nakita nga si Ate Olivia sa pang-isahang sofa. "Ay, ewan ko riyan. Basta pagdating ko kanina rito sa bahay ay natulog na ako, eh."
Napatingin silang parehas sa ginang na himbing na himbing sa pagtulog.
“Hayaan mo siya. Baka akala ay lasing na naman ako kanina kaya binantayan niya ako.” Maingat na tumayo si Olmer.
“Gano’n ba? Eh, di gisingin mo na para lumipat siya sa kuwarto niya. Kawawa naman siya dahil halatang hindi siya komportable.”
“Huwag na. Magigising naman siguro ‘yan mamaya. Tara na sa kuwarto,” pagsalungat ni Olmer. Hinila siya palayo sa natutulog.
“Pero baka mangawit si Ate Olivia.” Hindi siya nagpahila. Naawa talaga siya sa posisyon ng mabait na ginang.
“Aisst!” Napakamot si Olmer sa sariling ulo. Naiirita na naman ito sa kaniyang inaasal. "Sabing hayaan mo na lang siya riyan. Trip niyang matulog diyan, eh, pakialam ba natin.”
Nakagat ni Maiza ang lower lip niya. Ayaw na niyang magsalita at baka mag-init nang tuluyan ang ulo ni Olmer.
“Kumain ka na ba?” buti na lang at huminahon na ulit na boses ni Olmer nang muli itong kausapin siya.
"Oo, kumain na kami sa trabaho kanina. Nagpakain ang boss namain," naginhawaan niyang sagot. May tampuhan na sila kanina ng asawa. Ayaw na niyang madagdagan pa iyon. Mabuti nga at mukhang nakalimutan na iyon ni Olmer.
Sumilay ang pilyong ngiti sa labi ni Olmer. "Kung gano’n ay puwede na rin ba kitang kainin?"
Nakangiting inirapan niya ito. "Ikaw, ha?"
"Pagbigyan mo na ako ngayon? Miss na kita, eh." Hinapit na siya nito sa baywang at siniil ng halik sa leeg. Marahas pero nakakapanghinang halik. Ang init na dulot ng labi ni Olmer ay tila apoy na gumapang sa buong pagkatao niya.
"Sige na nga. Pero huwag dito, Mahal, at baka magising si Ate Olivia.”
Ngumisi si Olmer. Pagkuwa’y naramdaman na lang ni Maiza na dahan-dahan siyang pinangko nito nang sinakop naman nito ang mga labi niya. Ginalugad agad ng dila nito ang kaloob-looban ng kaniyang bunganga.
At kung paano sila nakarating sa kama ay hindi na niya namalayan. Napakabilis siyang nah*b*ran ni Olmer. Siya na ang nagtanggal ng hook ng bra niya nang kasuotan naman nito ang tinanggal. Hindi na siya nahihiya. Excited pa nga siya. Hindi siya masisisi dahil noong isang araw pa niya inaasam na may mangyari ulit sa kanila na mag-asawa.
Mabigat si Olmer nang muling ib*b*wan siya, pero mas nakakadagdag iyon ng init ng katawan niya.
“Ooh, Olmer…” h*linghing niya nang maramdaman niya ang mga labi ni Olmer sa d*bd*b niya. Salitang pinaglaruan ang mga iyon ng kamay at bunganga ni Olmer.
“Aahh!” ungol pa ni Maiza. Ang mga pinong balbas kasi ni Olmer ay parang humahalukay sa sikmura niya. Napapaliyad siya nang husto. Ang kamay niya’y hindi na alam kung saan kakapit.
Nang tumaas ang ulo ni Olmer ay muling in*ngkin nito ang mga labi niya. Kasabay niyon ay ang paghihiwalay nito sa kanyang mga hita. Mas maalab na hinalikan pa siya nang tuluyan na siyang *ngkinin. Walang pasakalye. Hanggang sa naging marahas na at mabilis ang pag-ul*s nito sa kaniyang ibabaw. Gayunman ay mas masarap ang dulot niyon na sens*syon.
“Mas masarap ka, baby.”
Nagtaka si Maiza sa inusal na iyon ng asawa, ngunit dahil natatangay siya sa sarap ay hindi na lang napansin. Inisip na lang niya na baka sa pagkain siya nito ikinumpara.
Saglit lang ay sabay nilang narating ang langit. Dagling umalis na sa ibabaw niya si Olmer upang umayos ng higa. Nakangiti naman si Maiza na tumagilid upang yakapin ito. Nakatulog siya sa mga bisig ng asawa. Pero hindi pa man yata nakakatagal ang tulog nila ay naalimpungatan ulit siya. Nakita niya na nagbibihis si Olmer.
"May lakad ka, Mahal?" kakamot-kamot sa batok niyang tanong. Sinipat niya ang orasan sa dingding. Alas singko na pala nang umaga. Isang oras na lang ay gigising na rin pala siya dapat dahil alas syete ang pasok niya sa flower shop. Ang akala niyang saglit lang na tulog nila ay hindi pala. Mukhang napasarap siya ng tulog dahil sa kakaibang sarap na ipinalasap sa kaniya kanina ng asawa.
"Oo. May lalakarin lang ako," matabang na sagot ni Olmer habang isinisintas nito ang rubber shoes.
"Trabaho ba ‘yan?"
"Parang ganoon na nga."
"Kung ganoon ay hintayin mo na lang ako, Mahal. Sabay na lang tayo aalis.” Mabilis na umalis sa kama si Maiza.
"Hindi puwede dahil matatagalan lang ako. Mauuna na ako at baka hindi ko maabutan iyong taong pupuntahan ko," ngunit ay pagtanggi ni Olmer.
“Sige, ihahatid na lang kita sa pinto kung gano’n," sabi niya pa rin.
Magka-holding hands silang lumabas ng silid. Saktong lumabas din si Ate Olivia. Gising na rin pala ito.
“Mag-aalmusal na ba kayo? Hindi pa ako nakaluto. Napagod kasi ako kagabi,”
“Hindi po, Ate Olivia. Aalis na kasi si Olmer. Maghahanap din daw po ng trabaho,” sagot ni Maiza sa ginang. Ang hindi niya nakita ay ang makahulugang tinginan nina Ate Olivia at Olmer.
"Sige na. Alis na ako." Muling humalik si Olmer sa pisngi niya.
"Ingat ka, Mahal," sabi na lang ni Maiza. Napapangiti na lang siya na inihatid ng tanaw ang asawa.
"Saan daw iyon pupunta?" tanong ni Ate Olivia sa kaniya nang mawala na sa paningin nila si Olmer.
"May lalakarin daw po."
"Lalakarin? Baka naman may pupuntahan iyon na ibang babae, huh?"
Napaisip si Maiza, pero hindi, hindi iyon magagawa ni Olmer sa kaniya. "May tiwala po ako sa asawa ko, Ate Olivia. Hindi niya po ako lolokohin."
“Sus, iyon ang akala mo. Ang mga lalaki pare-parehas ang mga iyan. Hindi makuntento sa isa," makahulugan namang bigkas ni Ate Olivia, pagkatapos ay walang anumang iniwan na siya.
Naiwang napapaisip si Maiza sa may main door ng bahay. Sana naman ay hindi totoong babae ang pupuntahan ni Olmer. Hindi niya yata kakayanin kapag nagkatotoo iyon. Iniisip pa lang kasi niya’y sobra-sobrang nadudurog na ang kaniyang puso.