Part 27

1093 Words

"Ma'am Therese, sandali lang," naalarma si Maiza. Bigla-bigla ay hindi siya naging sang-ayon na sasabihin na agad ni Therese ang natuklsan. Hinabol niya si Therese. Buti na lang at nahila niya agad ito sa isang braso bago pa man nakalabas ng locker room. "Bitawan mo ako, Maiza. Dapat malaman ni Yumi ang katotohanan na dalawa kayong girlfriend ng g*gong Olmer na 'yon," piksi ni Therese. Pero hindi niya binitawan ito. "Makinig ka muna po sa akin," pakiusap niya. Nang makakita ng pagkakataon ay iniharang niya ang sarili sa isinarado niyang pinto. "Ano pa ba’ng sasabihin mo? Malinaw pa sa sikat ng araw na two timer ang lalaking 'yon. Na hindi pa rin siya nagbabago. Ano? Niligawan ka ba niya? At agad mo siyang sinagot? Hindi mo man lang naisip na masasaktan si Yumi?" "Mali ka, Ma'am. Makini

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD